Nagreklamo ang mga pasaherong patungong Alabang, Parañaque at Laguna matapos humaba ang pila sa EDSA-Ayala Ave. bus loading bay sa Southbound lane na sakop ng Makati City.
Ayon sa mga stranded na pasahero, mabagal umano ang pagdating ng mga bus sa naturang linya.
Sa pahayag naman ng MMDA traffic enforcers, mabagal kasi ang daloy ng trapiko sa Ayala Avenue maging sa iba pang lugar sa Makati dahilan kaya nahuhuli at hindi agad nakararating ang mga nasabing bus. —sa panulat ni Angelica Doctolero