Unti-unti nang dumadagsa ang mga pasahero sa mga pantalan sa bansa, apat na araw bago magpasukan.
Ayon sa Philippine Coast Guard, aabot na sa mahigit 48,000 pasahero ang naitala sa mga pantalan mula alas-6:00 kagabi hanggang alas-12:00 ng hatinggabi.
Pinakamaraming pasahero ay namonitor sa Central Visayas na may bilang na mahigit 12,000.
Sinundan ito ng Northern Mindanao na may mahigit 8,000 pasahero at ikatlo sa pantalan sa Western Visayas na may mahigit 5,000 pasahero.
Sa June 4, magbubukas na ang klase kung saan inaasahang nasa mahigit 27 milyong mag-aaral ang magbabalik-eskwela.
—-