Nagsimula nang magdagsaan sa NAIA o Ninoy Aquino International Airport ang mga pasahero, tatlong araw bago ang Semana Santa.
Nasaksihan ng DWIZ patrol ang mahabang pila ng mga sasakyan at mga pasahero sa NAIA Terminal 3, alas-4:00 pa lamang ng madaling araw.
Sinasabing maging ang mga international flights ay halos mapuno na rin.
Unti-unti na rin umanong bumabagal ang daloy ng trapiko patungong airport mula Rotonda hanggang Andrews Avenue.
Samantala, hinimok ni NAIA General Manager Ed Monreal ang mga pasahero na maagang magtungo sa airport.
Sa gitna na rin ito nang inaasahang pagdagsa ng mga pasahero patungo ng mga lalawigan at ibang bansa dahil sa mahabang bakasyon dulot ng Semana Santa.
Ito ayon kay Monreal ay para hindi nagmamadali ang mga pasahero dahil sa mahigpit na pagsalang pa sa x-ray machine bilang bahagi ng seguridad.
Sinabi ni Monreal na dapat maglaan ng hanggang apat na oras bago ang mismong flight schedule para sa mga kaukulang airport procedures.
By Judith Larino | with report from Raoul Esperas (Patrol 45)