Pormal nang tinapos ng mga awtoridad ang retrieval operations hinggil sa bumagsak na C-130 plane ng Philippine Air Force sa Brgy. Bangkal, Patikul, Sulu.
Kinumpirma ito ni Defense Sec. Delfin Lorenzana makaraang matagpuan ang lahat ng katawan ng mga pasahero, piloto gayundin ang tripolante ng bumagsak na eroplano.
Ayon sa Kalihim, nasa 50 ang kabuuang nasawi sa insidente, 47 dito ay sundalo at 3 ang sibilyan.
Nasa 49 naman ang sugatan na sundalo at 4 naman ang sugatan na sibilyan.
Narekober na po natin ang lahat ng mga labi ng ating mga kasamahang nasawi dito sa nangyaring airplane crash nga umaabot sa kabuuang bilang na 47 ang mga namatay sa hanay ng mga sundalo pasahero po lahat ito sa C-130 . 49 ang ating narescue 32 of them na mga narescue ay mga nasa military hospitals at yung 17 ay nasa civilian hospitals sa Zamboanga,″ pahayag ni Arevalo.
Ipinabatid pa ni Arevalo ang kahandaan ng AFP na ilipat sa mga ospital sa Maynila kung kinakailangan ang mga sugatang sundalo.
But we are prepared to release them to Manila, at any moment notice kung sabihin na mas kakailangin nila ang mas iba pang expertise or facility para mas mabilis silang makarekober ready tayo .May mga civilian airline company na nagsabi gaya ng Philippine Airlines at ang AirAsia at … Philippine Air force na nagsabi na rin na handa silang tumulong, nagpapasalamat tayo sa kanila, ″ pahayag ni AFP Spokesman Major General Edgard Arevalo.— ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)