Tuluyan nang tinuldukan ng Department of Transportation (DOTr) ang libreng sakay sa EDSA Bus Carousel.
Kinumpirma ng DOTr na hanggang Sabado, Disyembre 31 na lamang ang free ride makaraang hindi na ito paliwigin dahil walang pondong inilaan ang gobyerno para sa susunod na taon.
Aminado ang kagawaran na gustuhin man nilang palawigin ang libreng sakay, sadyang hanggang sabado na lamang ang kanilang budget para sa nasabing programa.
Magugunitang inalis ng Department of Budget and Management ang panukalang P12-B budget para sa free rides sa National Expenditure Program sa taong 2023 na isinumite sa kongreso.
Sa halip ay binigyan ang DOTr ng P1.2-B para sa Contracting Service Program.
Nasa 10 hanggang P12-M ang ibinabayad ng gobyerno kada araw sa bus concessionaires para sa biyahe ng nasa 600 hanggang 700 bus sa EDSA busway.