Stranded pa ang maraming pasahero sa Mactan Cebu International Airport (MCIA) matapos mag overshoot ang isang eroplano ng Korean Air sa isang runway ng nasabing paliparan kagabi.
Ayon ito kay Edilyth Maribojoc ng GMCAC Cebu Airport Cooperation Public Affairs, sa gitna na rin ng patuloy na imbestigasyon sa nasabing insidente.
Naipaabot na aniya nila sa mga airlines na dapat gumawa ng kinakailangang adjustments dahil hindi pa magagamit ang naturang runway kung saan naruon pa rin ang sumadsad na eroplano ng Korean Air.
Ligtas namang nai evacuate sa MCIA Terminal 2 ang lahat ng 162 passengers na kinabibilangan ng 160 adults at dalawang sanggol at 11 crew para sa medical evaluation bago payagang makaalis sa airport. —sa ulat ni Raoul Esperas (Patrol 45)