Isasailalim na ng Philippine National Railways (PNR) sa Random Antigen Tests ang kanilang mga pasahero, simula ngayong araw.
Kinumpirma ni PNR Assistant General Manager Ces Lauta na target nilang makapagsagawa ng Antigen test sa 288 pasahero kada araw.
Gayunman, boluntaryo lamang anya ang tests na isasagawa sa Tutuban, Dela Rosa, Bicutan at Alabang stations.
Sakali namang mag-positibo, maaari pa ring sumakay ng tren pero sa hiwalay na bagon at sasailalim sa tests sa kani-kanilang barangay.
Magugunitang nag-positibo sa COVID-19 ang 261 PNR Personnel na sumailalim sa Antigen testing simula noong holiday.