Papalimitahan na ng Department of Transportation (DOTr) ang mga sasakay na pasahero sa mga public utility vehicles (PUVs) oras na ipatupad ang community quarantine sa Metro Manila.
Sa isinagawang press conference ng DOTr ngayong Sabado, babawasan ng mahigit sa kalahati ng maximum passenger capacity ng isang pampublikong sasakyan ang pasahero nito simula sa Marso 15.
Sa jeep, kung 20 pasahero ang normal capacity nito ay hindi lalagpas sa 10 na lamang ang papayagang isakay dito; sa bus, hindi lalagpas sa 25 pasahero lamang ang pupuwede; sa taxi at transport network vehicle services (TNVS), hindi lalagpas sa 4 pasahero lamang ang papayagan, kasama na ang driver; at sa UV Express naman ay hindi lalagpas sa 6 ang maaaring maisakay kabilang rin ang driver.
I re-require din na umupo ng one seat apart ang mga pasahero sa loob ng mga PUVs.