Inilikas ang lahat ng pasahero ng Southwest Airlines na may biyaheng pa-Kentucky.
Ito ay matapos umusok ang Samsung Galaxy Note 7 ng isang pasahero.
Ayon sa ulat, maayos at ligtas namang nailabas ang mga pasahero at crew ng flight 994.
Matatandaang nagkaroon na ng global recall ang Samsung Galaxy Note 7 dahil sa insidente ng pagliyab ng mga ito.
By Ralph Obina