Patuloy ang pagdagsa ng mga pasahero sa mga pantalan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Sa nakalipas lamang na magdamag, nakapagtala ang Philippine Coast Guard o PCG ng mahigit 33,000 mga pasaherong bumiyahe sa mga lalawigan.
Pinakamarami sa mga pasaherong ito ay mula sa pantalan sa Central Visayas na umabot sa 9,175.
Mahigit 8,000 namang mga pasahero ang naitalang bumiyahe sa Southern Tagalog habang 5,000 naman sa South Eastern Mindanao.
Ngayong weekend, inaasahan ang pagdagsa ng mga pasaherong bibiyahe para sa nalalapit na Pasko.
—-