Pumalo sa mahigit siyamnapung libong (90,000) mga pasahero ang naitalang bumiyahe sa ibat’ ibang pantalan sa bansa, kahapon Linggo ng Palaspas.
Batay sa monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG) katuwang ang Malasakit Help Desk Oplan Biyaheng Ayos ng Department of Transportation (DOTr), nakapagtala sila ng kabuuang 91,604 na mga pasahero mula alas-12:00 ng tanghali hanggang alas-6:00 ng hapon kahapon.
Pinakamarami dito ay sa mga panatalan sa Western Visayas na umabot sa mahigit labing walong libong (18,000) pasahero at sinundan ng Central Visayas na merong higit 15,700 pasahero.
Kasabay nito, tiniyak ng Philippine Coast Guard na patuloy nilang binabantayan ang sitwasyon sa mga pantalan para matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero.
Inaasahan din ng ahensya ang pagdasa pa ng mga biyahero sa mga susunod na araw ngayong Semana Santa.
—-