Patuloy ang pagdagsa sa mga bus terminal ng mga pasaherong uuwi sa kani-kanilang mga probinsya para magbakasyon at gunitain ang Semana Santa.
Nakapagtala ng mahigit sa 2,000 pasahero ang Araneta Bus Terminal kahapon.
Ayon sa pamunuan ng nasabing terminal, inaasahang aakyat pa ngayong araw sa anim hanggang pitong libong pasahero ang dadagsa pa.
Samantala, wala sa kabila ng pagdagsa ng mga mananakay ay wala pang naitatala ang mga otoridad na mga pasaherong na-istranded sa Quezon City, Marikina at Pasay kahapon.
Gayunman may ilan namang chance passenger dahil sa hindi nakabili ng ticket ng maaga.
Naghintay naman ang maraming pasahero sa Marikina Bus Terminal ng masasakyan, ito’y matapos mabawasan ang kanilang maaaring sakyan makaraang suspendihin ang Dimple Star na na-aksidente kamakailan.
Samantala, patuloy ang isinasagawang inspeksyon ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board at MMDA sa mga bus terminals para tingnan ang kalagayan ng mga bus maging ang mga driver nito.