Dagsa na ang mga pasahero sa iba’t ibang pantalan sa bansa.
Ito’y matapos ipagdiwang ang holiday season sa kani-kanilang mga probinsya.
Balik trabaho na kasi ang karamihan mula sa bakasyon sa mga lalawigan.
Batay sa pinakahuling pagtaya ng Philippine Coast Guard (PCG) para sa kanilang oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2019 umabot na sa mahigit 52,000 ang bilang ng port passengers.
Pinakamarami ang mga pasahero sa mga pantalan sa Central Visayas kung saan umabot na sa mahigit 10,000.
Sumunod naman ang sa South Eastern Mindanao na may halos walong libong pasahero.
Kasabay nito tiniyak ng PCG na kanilang sisikaping abutin ang target na zero maritime casualty o incident.