Iilang pasahero na lamang ang nasa Batangas Port para sa biyahe pauwi sa mga lalawigan kaugnay sa paggunita ng araw ng mga patay.
Ayon ito sa Philippine Coastguard kung saan anito patungong Mindoro, Romblon at Caticlan ang karamihan sa mga pasahero.
Ipinabatid ng coastguard na kakaunti na rin ang mga rolling cargo.
Tuluy tuloy pa rin ang schedule ng biyahe ng mga bangka.
Ilang pasahero naman ang nahirapang kumuha ng ticket dahil karamihan sa mga barko ay fully booked na kayat napilitang mag bangka na lamang ang ilan sa mga ito.
By: Judith Larino