Dinagsa ng libu libo katao ang mga pantalan sa buong bansa para umuwi sa mga lalawigan kaugnay sa paggunita sa araw ng mga patay.
Ayon sa Philippine Coastguard halos 80000 pasahero ang naitala nila sa mga pantalan mula alas 12:00MN hanggang alas 6:00 kaninang umaga.
Nuong Biyernes, October 28 nagsimula ang coastguard sa monitoring nito at kung kailan din itinaas ang alert level ng coastguard para sa paggunita ng araw ng mga patay.
By: Judith Larino