Napapanahon nang magbayad ang mga pasahero sa Metro Rail Transit 3 (MRT-3).
Ito ang iginiit ni Department of Finance (DOF) Secretary Benjamin Diokno dahil malaki na umano ang naibigay na serbisyo ng MRT-3 sa mga mananakay.
Aniya, hindi na nagkaka-aberya at maayos na ang mga riles nito.
Bukod dito, regular na ang dating ng mga tren sa mga istasyon, at dumami na ang mga bagon.
Ibig sabihin aniya ay maayos na ang pagbiyahe ng mga pasahero at naka bawi-bawi na ang MRT-3 sa mga naging sablay nito sa nakalipas na mga taon.
Samantala, magpapatupad naman ng libreng sakay sa mga estudyante ang MRT-3 sa Agosto para sa pagsisimula ng face-to-face classes hanggang Nobyembre.