Nagsimula nang dumagsa ang mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA bago pa man sumapit ang Semana Santa.
Madaling araw pa lamang kanina ay nagsimula ng bumigat ang daloy ng trapiko sa departure area ng NAIA dahil sa mga pasaherong magbabakasyon o di kaya’y uuwi sa kani-kanilang probinsya.
Dahilan ng mga pasahero sa maagang pagpunta sa mga paliparan ay upang maiwasan ang bugso ng mga biyahero sa nalalapit na holy week break.
Samantala, magugunitang una nang nagpaalala si Ed Monreal, General Manager ng Manila International Airport Authority sa mga airlines na tiyakin ang kaligtasan at kaginhawahan ng mga pasahero ngayong Semana Santa.