Umabot na sa higit 17,000 pasahero ang naitala sa mga pantalan sa bansa ngayong araw.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), may kabuuang 17,036 ang mga pasaherong bumiyahe.
Pinakamarami pa rin ang naitala sa mga pantalan sa Western Visayas na mayroong 2,687 pasahero.
Samantala, patuloy ang ginagawang monitoring ng PCG sa mga bumibiyahe habang papalapit ang Pasko.