Tinatayang pumalo na sa 60,036 ang bilang ng mga pasahero sa pantalan na uuwi sa kani-kanilang probinsya ngayong kapaskuhan.
Sa naturang bilang ng Philippine Coast Guard (PCG) para sa kanilang oplan biyaheng ayos ay pinakamarami ang pasahero sa Western Visayas partikular na sa Antique, Aklan, Iloilo at Guimaras na umabot sa mahigit 19,000.
Sinundan naman ito ng mga biyahero mula sa Southern Tagalog at Northern Mindanao.
Samantala, pinayuhan naman ang mga biyahero na maging mapagmatyag at sumunod sa safety and security measures sa lahat ng pantalan bilang pagtalima narin sa nais ng PCG na zero maritime casualty o incident ngayong kapaskuhan.