Maraming pasahero sa Pasig City ang na-stranded nang biglang maglunsad ang Inter-Agency Council on Traffic ng “Oplan Tanggal Bulok, Tanggal Usok” laban sa mga colorum na sasakyan.
Mistulang ghost town ang kahabaan ng Ortigas Avenue sa Pasig hanggang Mandaluyong City dahil bantay-sarado ng Task Force Alamid ng I-ACT.
Laging traffic sa naturang lugar at bagaman walang nahuli ay ikinatuwa ni Task Force Alamid Commander, Ret. Gen. Emmanuel Gonzales ang pagluwag ng daloy ng trapiko.
Gayunman, naperwisyo ang mga pasaherong patungong Pasig City kaya’t nagkumpulan ang mga ito sa tapat ng Robinson’s Galleria Mall.
Samantala, sinita ng M.M.D.A. at I-ACT ang mga bus na matagal nakahimpil sa mga waiting shed upang mapabilis ang daloy ng trapiko sa Ortigas Avenue.
Posted by: Robert Eugenio