Inaasahang aakyat pa sa mahigit 100,000 ang bilang ng mga pasahero kada araw sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa Semana Santa.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni PITX Corporate Affairs Head Jason Salvador na noong nakaraang linggo pa lamang ay dagsa na ang mga biyahero.
Aniya, patuloy ang ginagawa nilang paghahanda upang matiyak ang kaligtasan at maging maginhawa ang pagbiyahe ng mga pasaherong uuwi sa kani-kanilang mga probinsya.
Nasa 91,000 aniya ang mga pasahero at may mga araw rin na umaabot pa ito sa mahigit 100,000.
Pinapayuhan naman ni Salvador ang mga biyahero na iwasang kumain sa loob ng bus at makipag-usap sa telepono upang maiwasan ang pagbababa ng face masks.