Sumadsad sa mababaw na bahagi ng karagatan ang isang fastcraft na may lulang 289 na pasahero.
Base sa ulat ng Philippine Coast Guard, naglalayag ang fastcat MV20 na galing sa Cebu nang biglang maganap ang insidente sa may bahagi ng Tubigon, Bohol.
Ayon sa PCG, mayroon ding sakay na 35 rolling cargoes ang naaksidenteng sea vessel.
Wala namang nakitang pagtagas ng langis o oil spill sa nangyaring pagsadsad ng fastcraft.
Nailigtas naman ang lahat ng pasahero at mga tripulante ng MV20.