Nasa 50M pasahero ang naitala ng Philippine Ports Authority (PPA) para sa kabuuan ng taong 2022.
Sinabi ni PPA General Manager Atty. Jay Santiago na sa kanilang pagtataya, maaari pang sumirit sa 57M ang kabuuang bilang ng mga pasaherong dadaan sa mga pantalan sa katapusan ng buwan.
Ito ay katumbas ng mahigit 200% na karagdagang pasahero kumpara sa naitalang 22M noong 2021.
Tinatayang ito ay dahil sa muling pagsigla ng transportasyon bunsod ng pagluwag ng protocols ng pamahalaan sa pagbiyahe.
Paalala naman ni Santiago, huwag kalimutang sundin ang mga health protocols tulad ng pagsusuot ng mask at physical distancing dahil umiiral pa rin ang nakahahawang sakit. —sa panulat ni Hannah Oledan