Umabot sa 25,000 ang bilang ng mga pasaherong dumagsa sa mga pantalan ngayong Undas.
Ayon kay Coast Guard Spokesperson Commodore Armand Balilo, nasa mahigit 11,000 pasahero ang dumating sa iba’t ibang pantalan habang halos 13,000 naman ang nakaalis na pauwi sa kanilang probinsya.
Matatandaang nito lamang a-29 ng Oktubre ay inilagay sa heightened alert ang Philippine Coast Guard (PCG) dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga biyahero ngayong undas para sa Oplan Biyaheng Ayos: Undas 2021.
Kabilang sa mga isinailalim sa inspection ay ang 315 mga vessel at 295 mga motorbanca.
Sa mga bibiyahe pauwi ng kanilang probinsya, kakailanganin ang QR code o S-Pass, vaccination cards at negative antigen o RT-PCR test.
Para naman sa iba pang impormasyon ay maaring bumisita at makipag-ugnayan sa official FB account ng PCG public affairs o sa numerong, 0927-560-7729. —sa panulat ni Angelica Doctolero