Hindi pasasakayin ng Metro Rail Transit 3 (MRT 3) ang mga pasaherong hindi susunod sa ipinatutupad na mga health protocols.
Ito ang iginiit ni MRT 3 Director for Operations Michael Capati na mas maghihigpit sila sa mga hindi susunod sa minimum public standards sa buong linya ng MRT.
Sinabi ni Capati na ang naturang hakbang ay para maprotektahan ang bawat pasahero sa patuloy na implementasyon ng Alert level 1 sa Metro Manila.
Hiningi naman niya ang kooperasyon ng mga biyahero upang mapanatili ang kaayusan sa mga tren at istasyon ng MRT 3.
Binigyang diin pa ni Capati na may karapatan na magpababa ang mga train marshals sa sinumang lalabag sa protocols.