Onti-onti pa ring dumadagsa ang mga pasahero sa General Bus Terminal sa Avenida, Maynila.
Ito ay may biyaheng patungo sa Mariveles, Balanga, Baguio, San Fernando, Urdaneta, at Tarlac.
Ayon kay Modesto Estañol, Security Officer ng terminal, dapat nakapag-book ang mga pasahero o advance reservation ngunit tatanggap naman ani sila ng walk-in passengers sa mga biyaheng papuntang Baguio.
Kasabay nito, nanatiling maayos ang sistema sa terminal. —sa panulat ni Jenn Patrolla