Tinatayang nasa 5,000 pasahero ang naapektuhan ng transport strike ng grupong Stop and Go Coalition.
Batay ito sa datos ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ayon sa ulat, marami sa mga na-istranded na commuters ay naitala sa kahabaan ng Commonwealth, Litex, Monumento at Fairview sa Quezon City.
Kaya naman umaga pa lamang ay maraming pasahero na ang naperwisyo at nadismaya na nataon pang unang araw ng pasok ngayong linggo.
Ito rin ang dahilan kaya’t nagkansela na ng pasok kaninang umaga ang ilang bayan sa Bulacan at Mandaluyong City.