Umabot na sa 363,571 pasahero ang nabigyan ng serbisyo sa libreng sakay ng MRT-3.
Ito ay matapos palawigin ng isa pang buwan ng MRT-3 Management na tatagal hanggang ika a-30 ng Hunyo.
Ito na ang ikatlong buwan ng implementasyon ng libreng sakay sa MRT-3, na may layuning maipakita sa mga pasahero ang mas pinagandang serbisyo ng linya ng mga tren at matulungan sila sa kanilang mga gastusin sa gitna ng pagtaas ng presyo ng gasolina at mga bilihin.
Walang kailangang bayaran ang sinumang pasaherong sasakay mula 4:40 ng umaga hanggang 10:10 ng gabi kung saan, maaaring gamitin ang Valid Stored Value o Beep Card upang makasakay sa tren na walang mababawas sa card balance ng pasahero.
Samantala, pinalawig rin ang pamamahagi ng libreng Antigen testing ng MRT-3 sa mga pasahero hanggang sa Hunyo a-30 na sinisimulan mula alas-7 ng umaga hanggang alas-8 ng umaga sa mga istasyon ng North Avenue, Shaw Boulevard, at alas-4 ng hapon hanggang alas-5 ng hapon sa mga istasyon ng Cubao at Shaw Boulevard Station.