Iba’t ibang terminal ng bus sa Metro Manila ang dinagsa ng mga pasaherong naghabol makauwi sa kani-kanilang probinsya para doon bumoto.
Kahapon pa lamang ng umaga ay mahaba na ang pila ng mga pasahero sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).
Ilan sa kanila ay hindi naka-absent sa trabaho kaya kahapon lang nakabiyahe habang karamihan ay nagbabalak na bumalik din bukas o pagkatapos ng botohan, na pinaghahandaan na rin ng PITX.
Tiniyak naman ni PITX Spokesman Jason Salvador na sapat ang bilang ng mga bus na gagamit ng PITX upang ma-accommodate ang mga pasahero.
Maliban sa PITX, marami ring pasahero na patungo namang Central at Northern Luzon ang sumakay sa mga terminal sa Cubao, Quezon City.