Halos nangalahati na lang ang bilang ng mga pasahero na humihingi ng tulong sa mga wheelchair attendant sa paliparan.
Kasunod ito ng pinakahuling insidente ng laglag bala, kung saan itinuro ng mag-asawang Esteban at Salvacion Cortabista ang kanilang wheelchair attendant na siyang posibleng naglagay ng bala sa kanilang bag.
Ayon sa mga attendant, mula sa dating 40 hanggang sa 50 pasahero kada araw, bumaba na lang sa 20 hanggang 25 na pasahero ang humihingi ng tulong sa mga wheelchair attendant.
By Katrina Valle | Report and Photo Courtesy of: Raoul Esperas (Patrol 45)