Papayagayan pa ring makabiyahe ang mga pasaherong naharang dahil sa tanim-bala.
Ito ang nilinaw ni Office for Transportation Security Spokesperson Kim Alyssa Marquez dahil sa halip ay ipatutupad na lamang ang confiscation policy na sinimulan noong Duterte Administration.
Ayon kay spokesperson marquez, sa oras na maraming nakikitang bala sa bagahe ng pasahero ay agad nila itong i-endorso sa Philippine National Police Aviation Security Group para sa kaukulang imbestigasyon.
Matatandaang muntikan ng hindi matuloy ang biyahe ng mag-asawang pasahero matapos silang makitaan ng isang bala sa kanilang bag.