Nabawasan na ang mga pasaherong nastranded matapos ibalik ang operasyon sa ilang mga pantalan kabilang na ang Bicol Region, Northeastern Mindanao, Eastern at Central Visayas.
Ayon sa Philippine Coast Guard, umaabot na lamang sa 2,059 ang bilang ng mga pasahero, drivers at cargo helper ang nananatiling stranded sa ilang pantalan sa bansa dahil sa Bagyong Odette.
Stranded din hanggang sa ngayon ang nasa 1,208 rolling cargoes, 42 vessels at isang motorbanca kung saan, 163 vessels at 106 motorbancas ang hindi nakakabiyahe at pansamantalang nakikisilong sa ibang mga pantalan.
Sa ngayon, patuloy na nakabantay ang PCG sa mga biyahe sa ilang pantalan maging sa lagay ng panahon. —sa panulat ni Angelica Doctolero