Inaasahang hanggang ngayong araw na ito pa bubuhos ang mga pasahero pabalik ng Metro Manila matapos ang holiday break.
Dahil dito, asahan pa rin ang bahagya hanggang mabigat na daloy na trapiko sa South luzon at North Luzon Expressways na nagsimula pa kahapon.
Tinatayang 300,000 sasakyan ang dadaan sa SLEX bagamat nagbukas na ng dagdag na counter flow lanes at toll booths sa expressway.
Mayroong mga naka-standby na ring ambulant tellers sa NLEX.
Samantala, dagsa pa rin naman ang mga nagtutungo sa mga lalawigan.
Sa Araneta Bus Terminal sa Cubao, Quezon City, tuluy-tuloy ang buhos ng mga pasahero kung saan 9,000 ang nagpa-book kahapon patungong Bicol at Visayas.
Tatlong daan at dalawampung (320) bus naman ang may biyahe sa iba’t ibang destinasyon.
By Judith Larino