Nagsimula nang dumagsa kahapon sa mga terminal papasok at palabas ng Metro Manila, ang mga bakasyunistang umuwi sa kani-kanilang lugar kasunod ng Holy Week.
Ito ay para maiwasan ang pagbigat ng daloy ng trapiko at hirap na makasakay pauwi.
Ayon sa pamunuan ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), aabot sa 27, 300 katao ang naitala sa terminal kahapon pa lamang ng umaga.
Malapit na ito sa karaniwang buhos ng tao noong wala pang pandemya, na aabot sa 100K.
Kakaunti naman ang naitalang bumiyahe sa Araneta City Bus Station sa Cubao sa Quezon City, na may biyaheng patungong Pampanga at Batangas Provinces.
Sa mga paliparan, umabot sa 53K na umalis at dumating na pasahero ang naitala nitong April 12 hanggang 15.
16% lamang itong mas mababa kumpara sa kaparehong panahon noong 2019, pero mas mataas ng 90% noong 2021 na naghihigpit pa ng restriksyon ang pamahalaan. — sa panulat ni Abby Malanday