Dagsa na ang mga pasahero sa mga bus terminal sa Pasay City, dalawang araw bago ang May 13 midterm elections.
Ilan sa mga ito ang nagbabasakaling makakuha ng ticket at makauwi ng kani-kanilang probinsiya para makaboto.
Asahan na rin ang mabigat ng daloy trapiko sa nasabing bahagi ng lungsod dahil sa mga tricycle at pedicab na naghahatid at nagbababa ng mga pasahero sa mga bus terminal.
Samantala sa Araneta Bus Terminal naman sa Cubao, Quezon City inaasahan na rin ang pagdagsa ng mahigit 6,000 mga pasahero kada araw na magsisi-uwian ng mgag probinsiya ngayong weekend.
Magugunitang, idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Mayo 13 bilang special non-working holiday para mabigyan ng pagkakataon ang mga botante na makibahagi sa halalan sa Lunes.
—–