Nasa 2,000 mga pasahero na lang ang papayagang makapasok ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa kanilang mga paliparan.
Ayon sa NAIA, ito’y makaraang pansamantalang ihinto ng Philippine Red Cross (PRC) ang pagpoproseso at pag-susuplay ng mga test kits.
Paliwanag ng NAIA, isa rin sa layon ng pagbabawas ng kanilang tatanggaping mga pasahero, ay para hindi mapuno ang mga quarantine facilities ng mga naghihintay na returning Filipinos sa resulta ng kanilang coronavirus disease 2019 (COVID-19) test.
Inaabot kasi ng isang linggo ang paghihintay ng mga returning Filipinos sa resulta ng kanilang test na dati’y umaabot lamang ng dalawa hanggang tatlong araw.
Nauna rito, ibinabala na ng pamunuan ng pPRC nitong Agosto na ititigil na nila ang pagpoproseso ng mga COVID-19 test, oras na mabigong magbayad ang PhilHealth sa kanilang utang na higit sa P900-milyon.