Mababa pa rin ang bilang ng mga pasaherong sumasakay sa Philippine National Railways (PNR) sa kabila ng pagbaba ng restriksyon dahil sa COVID-19.
Ayon kay PNR spokesperson Atty. Celeste Lauta, mula sa 13,000 ay umabot lamang sa 18,000 pasahero ng pnr ang naitatala kada araw.
Malayo ito sa kapasidad ng tren na nasa 65,000.
Isa sa nakikitang dahilan ni lauta ang hindi pa buong pagbabalik ng face-to-face classes dahil karamihan sa mga pasahero ay estudyante.
Naglalaro pa rin sa 15 pesos hanggang 60 pesos ang pamasahe sa PNR.
Metro Manila, handa nang isailalim sa Alert level 0 ayon sa presidential adviser for entrepreneurship
Handa na ang Metro Manila na maisailalim sa Alert level zero.
Ayon kay presidential adviser for entrepreneurship secretary Joey Concepcion, tulong ito upang mapaunlad ang confidence ng publiko na naalis dahil sa COVID-19 pandemic.
Iminungkahi naman ni Concepcion sa mga negosyo na magpatupad ng sariling panuntunan sa ilalim ng Alert level zero tulad ng pagre-require o hindi ng vaccination cards.
Hanggang bukas na lamang nakailalim sa Alert level 1 ang Metro Manila at 38 pang lugar sa bansa.—sa panulat ni Abby Malanday