Dagsa na ang mga biyaherong magsisipag-uwian sa kani-kanilang mga lalawigan para doon ipagdiwang ang pasko at bagong taon.
Batay sa pagtaya ng QCPD o Quezon City Police District, nasa humigit kumulang 1,000 na ang mga pasaherong dumarating sa Araneta Center Bus Terminal sa Cubao para sa mga patungong Bicol region gayundin sa Visayas at Mindanao.
Mahaba na rin ang pila ng mga pasahero sa ilan pang mga terminal ng bus sa EDSA-Cubao para naman sa mga tutulak patungong norte kaya’t mabigat na rin ang daloy ng trapiko sa north at southbound.
Samantala, hindi na rin mahulugang karayom ang mga pasaherong nag-aabang ng masasakyan sa mga terminal ng bus sa Buendia, Makati City para sa mga tutungo namang Southern Luzon at Bicol region.
Dagsa na rin ang mga pasahero sa EDSA-Pasay City para sa mga tutungong Visayas, Mindanao at sa iba pang lugar sa norte.
LOOK: Sitwasyon sa EDSA-Cubao Bus Terminal | @dwiz882 pic.twitter.com/YgPAyRP1gy
— ♕Jaymark Dagala♕ (@jaymarkdagala) December 22, 2018