Nagbabala si Transportation Sec. Arthur Tugade sa mga operator at driver ng pampublikong mga sasakyan na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) areas.
Ayon sa kalihim, ito’y sakaling lumabag ang mga ito sa inilabas nilang mga panuntunan sa ilalim ng GCQ lalo’t limitado pa rin ang galaw para na rin mapababa ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Giit ni Tugade, maliban sa mga nasa sektor ng pampublikong sasakyan, may karampatan ding kaparusahan ang ipapataw sa mga may-ari ng pribadong sasakyang magpipilit bumiyahe kahit hindi pinapayagan sa ilalim ng GCQ.
Hindi aniya sila magsasawang araw-arawin ang mga pasaway sa pamamagitan ng biglaang mga inspeksyon ng LTFRB at lto katuwang ang i-act upang tiyaking nasusunod ang mga inilatag na quarantine protocols.