Namemeligrong ipatapon din sa Basilan ang mga opisyal at kawani ng DENR o Department of Environment and Natural Resources sa Samar at Leyte na hindi gumaganap ng mabuti sa kanilang trabaho.
Ito’y makaraang magbanta si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa mabagal na pag-usad ng mga dokumento para sa housing project sa Tacloban at sa iba pang bahagi ng mga nasabing lalawigan.
Nakarating sa Pangulo ang mabagal na proseso ng Regional Office ng DENR kaya’t hindi matapus-tapos ang mga itinatayong pabahay para sa mga nasalanta ng super bagyong Yolanda noong 2013.
Binigyan ng labinlimang (15) araw ng Pangulo ang mga opisyal ng DENR sa Samar para tapusin ang mga nakabinbing trabaho kung ayaw matulad ang mga ito sa kapalaran ng mga pulis ‘scalawags.’
By Jaymark Dagala | Report from: Aileen Taliping (Patrol 23)