Umabot sa 154 na mga pasaway na motorcycle rider ang nasampolan ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA sa buong maghapon kahapon.
Kasunod ito ng pagsisimula ng mahigpit na pagpapatupad ng motorcycle lane policy sa EDSA.
Nasa 80 namang motorcycle rider ang nahuli sa ilalim ng no contact apprehension o mga nakita sa CCTV ng MMDA na lumabag sa polisiya.
Bukod sa mga bumabagtas sa labas ng motorcycle lane, hinuli rin ang mga nakitang naka-tsinelas na rider at mga nag-over loading.
Katwiran naman ng mga nahuli, hindi nila alam ang ipinalabas advisory ng MMDA kaugnay ng mahigpit na implementasyon ng motorcycle lane.
Kailangan namang magbayad ng limang daang pisong multa ng mga nahuli at natiketang mga riders.
—-