Hindi palalampasin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga pasaway na motorista ngayong darating na Undas.
Itoy matapos i-anunsyo ng MMDA ang pagpapatupad ng ‘maximum tolerance’ sa mga pasaway driver na mag paparada sa kalsada sa paligid ng sementeryo.
Ayon kay MMDA General manager Jojo Garcia, maglalaan ang mga lokal na pamahalaan ng mga lugar na maaari lamang paradahan ng mga sasakyan.
Banta ni Nebrija, kahit Undas ay kanilang huhulihin ang motorista oras na lumagpas ito sa inilaang espasyo para sa paradahan.
Kanila ring i-to-tow ang mga sasakyang nakaparada sa daanan ng mga taong bumibisita sa sementeryo.
Nakatada naman nang makipagpulong ng MMDA sa mga lokal na pamahalaan para pag handaan ang kaayusan sa mga sementeryo.