Tutukuyin at paparusahan ang mga pasaway na public works contractors na nagiging dahilan ng matinding trapiko.
Resulta ito ng inter agency meeting sa pagitan ng DPWH at MMDA kung saan tinutukan partikular ang mga hakbangin para sa kaukulang coordination sa konstruksyon ng mga lansangan tulad nang paghuhukay.
Ayon kay MMDA Traffic Discipline Office Director Neomie Recio kailangang mailatag ang isang traffic management plan bago simulan ang road work projects para matiyak na hindi makapagpapalala ng trapiko.
Ang nasabing management plan ay isusumite ng contractor sa DPWH na siyang magre review bago ipasa sa MMDA na bubusisi naman kung katanggap tanggap ito para irekomenda ang kinakailangang adjustments.
By: Judith Larino