Binigyang diin ni Senator Christopher “Bong” Go, na dapat nang kasuhan ang mga smuggler na patuloy na lumalabag at nag-iipit ng mga produkto sa bansa.
Ayon sa senador, dapat nang buhayin ang Anti-Smuggling Law, para malutas ang problema sa mataas na presyo ng mga bilihin sa merkado.
Sinabi ni Sen. Go, na posibleng may nag-ho-hoard at nagtatago sa suplay ng agricultural products gaya nalang ng sibuyas, asukal, at bigas dahilan kaya tumataas ang presyo nito sa mga pamilihan partikular na sa Metro Manila.
Iginiit ng senador na dapat unahin ang paghuli sa mga smuggler at unahin ang mga local farmers bago mag-angkat ng mga produkto sa bansa.
Dagdag pa ni Sen. Go, ang mga magsasaka ang naghihirap at nagsasakripisyo kaya dapat lang na sila ang suportahan ng gobyerno.