Normal ang operasyon ng mga transmission line at maging ang pasilidad ng NGCP o National Grid Corporation of the Philippines.
Ipinabatid ng NGCP na wala silang naitalang nasirang major power lines sa pagtama ng bagyong Jolina sa Aurora at mga karatig probinsya.
Sa kabila nito, nagpakalat ang NGCP ng mga tauhan upang tumugon sa mga posibleng maging problema dahil sa bagyo.
By Meann Tanbio