Hindi naapektuhan ang suplay ng kuryente ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP sa Mindanao matapos ang nangyaring magnitude 6.3 na lindol sa Tulunan, North Cotabato noong Miyerkules.
Pahayag ng NGCP, walang nasira sa kanilang power transmission backbone sa buong Mindanao at nananatili umano itong buo.
Siniguro ng NGCP na maging sa mga karatig na lugar na tinamaan ng lindol ay wala ring napinsalang mga transmission facilities at high voltage equipment.
Samantala, agad naman umanong inayos ng mga line personnel ng NGCP ang nasira nilang pasilidad sa Davao-Digos Line na nagsu-supply ng kuryerte sa mga customer ng Davao Del Sur Electric Cooperative o DASURECO.
Siniguro naman ng NGCP na maaayos ang generation ng sub-transmission lines at distribution lines na pag-aari ng naturang electric cooperative.