Minamadali ngayon ng Kamara ang pagsasaayos sa mga pasilidad para sa nalalapit na SONA o State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kabilang sa mga ginagawa sa loob ng Batasan Complex ay ang parking building at repair ng mga banyo.
Kaugnay nito, sinabi ni House Secretary General Cesar Pareja na sisikapin nilang matapos ang lahat ng ginagawa sa loob ng Batasan Complex, pero posibleng suspindihin muna ang paggawa sa mga ito kung abutin pa ng SONA.
Ilan pa sa mga pinoproblema sa mismong SONA ay ang mabigat na trapiko, parking at mga bisita na hindi maa-accommodate.
By Meann Tanbio
*Photo: Wikipedia