Tutugisin na ng Department of Foreign Affairs ang mga passport fixer sa ahensya.
Tiniyak ito ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin sa publiko, lalo sa mga nahihirapang kumuha ng pasaporte, bilang tugon sa sumbong ng isang netizen.
Isiniwalat ng netizen na mayroon umanong modus ang ilang empleyado at retirado kung saan sinisingil nila ng P2,500 hanggang P3,500 ang sinumang nais mapabilis ang proseso ng pagkuha ng passport.
Hinimok naman ni Locsin ang publiko na i-follow ang social media account ng DFA at ni Foreign Affairs Undersecretary Brigido Dulay upang maging updated.
Ipinaalala rin ng kalihim na mayroong mga temporary offsite passport services sa ilang mall sa Metro Manila at ibang rehiyon upang magbigay-serbisyo sa mga aplikante. —sa panulat ni Drew Nacino