Maaari na ring ipa-deliver ang mga passport o pasaporte gamit ang passport online appointment system (OAS).
Sa inilabas na abiso ng Department of Foreign Affairs (DFA), ang mga mag-aapply online para makakuha ng passport ay maaari na ring makapag-avail ng courier service o ‘yung magde-deliver ng inyong passport.
Bukod pa rito, pwede na ring magbayad online para sa mga fee ng pagproseso at pagpapa-deliver ng mga ito.
Pero paliwanag ng DFA, maaari pa rin namang mag-bayad over-the-counter, gayundin ang pag-pick-up ng inyong mga passport sa consular office ng DFA sa halip na ipa-deliver ito.
Samantala, bagamat mayroong iba’t-ibang opsyon ang DFA sa pagkuha at pagbabayad ng mga passport, iginiit naman nito na mas inirerekomenda nila ang pagpapadeliver at pagbabayad online, para makaiwas ang bawat isa sa banta ng COVID-19 pandemic.