Kakanselahin at itatapon na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga passports na hindi pa kinukuha sa kanilang tanggapan bago ang Enero 2021.
Sa inilabas na advisory ng DFA, epektibo ito nitong Pebrero 7 alinsunod sa Department Order No. 2021-012.
Pinayuhan naman ng Departamento ang mga kukuha ng passports sa DFA consular office na may hanggang Marso pa ang mga ito.
May 30 araw ang mg nag-apply ng passports para makuha ang kanilang dokumento matapos ang release. —sa panulat ni Abigail Malanday